2.) pagdating ng mga kaisipang liberal 3.) pagbubukas ng mga daungan 4.) pagsulpot ng pang gitnang uri ng lipunan 5.) pagbitay sa gomburza 6.) isyu ng sekularisasyon 7.) pagaalsa sa cavite 8.) pamamahala ni carlos de latorre
Ang nasyonalismo ay inilalarawan bilang isang marubdob at mataos na
pag-ibig sa bayang sinilangan.Sa kasaysayan,ang pagkabuo ng ganitong
damdamin ay kaalinsabay ng masidhing hangaring magkabuklud-buklod at
maging malaya mula sa pakikialam ng mga dayuhang lakas.Ito ang
nagsisilbing pangunahing hakbang sa paghubog ng pambansang kamalayan at
sa pagtatampok ng angking kakayahan at identidad sa bansa.Ito ay
umuusbong sa kalooban ng mga taong nabubuhay sa isang tiyak na pamayanan
,nagbubuklod ng isang sentimyentong hinubog ng iisang
kasaysayan,wika,panitikan,pagpapahalaga,saloobin,tradisyon,pananaw,at
relihiyon. Ang nasyonalismo ay bunga ng rebolusyong pransesnoong ika-18
siglosa panahin ni Napoleon Bonaparte bilang reaksiyon sa
kolomyalismo.Pagsapit ng ika-19 na siglo,umusbong ang nasyonalismong
pilipino.